Salaysay ng Isang Mag-aaral

Sumikat ang araw at ako'y nagising

Nagsisimula na ang masayang damdamin

Ako ay nagagalak sa sasapitin

Dapat kumilos na't wag itong palampasin



Ako'y natuto ukol sa mga bagay

Mga kaibiga'y kapatid na tunay

Marami ring guro ang nagsilbing gabay

Nang kami'y makahanap sa bagong buhay.



Dumating ang pagsubok ako'y matatag

Pagkat nalaman kong di namumuo ang habag

Lumilipas ang araw, walang bagabag

"Kami'y lilisan," ito'y ihinahayag!



Paalam aking mahal na paaralan

Dito hinubog ang musmos kong kaisipan

Isang mabuting tao sa aki'y turan

Ako ay yayao nang may kasiyahan.


Author's Notes/Comments: 

As a requirement in Filipino in 1997, for the graduating students.

View ardythe's Full Portfolio
tags: