Tinig ko sana'y inyong pakinggan,
Pagkat ito'y tinig ng kabataan,
Nais ko lang na kami'y pakinggan,
Upang gumanda ang kinabukasan.
Buhay naming ito'y puno ng hinagpis,
Dusang tinatamo laging tinitiis.
Ang pamahalaan ay pawang mga sipsip,
Ang akala sa bayan: walang pag-iisip!
Dito sa lipunan ay walang iniintindi,
Kundi ang kanilang mga sarili.
Kami ngayon ay may dalamhati,
Sa paarala'y ibang tao ang nagpapalugami.
Pagdating sa pamilya, o anong sakit!
Ikaw pa ang may sala't ipinagpipilit:
Kailan ba namin matatamo ang pag-unawa,
Sa lahat ng ito, o Diyos na dakila?
Ang kahirapang ito'y ninanasa namin
Na mabawasan kahit konti rin.
Sapagkat pag ito'y natamo namin
Uunlad ang bayan, kayong gabay sa 'min.