Kabutihang gawa'y unang nagigisnan
Sa pamilyang punô ng pagmamahalan
Ama at ina ay walang pagkukulang
Sa mga anak na pinapangaralan.
Amg-anak ay dapat na nagkakaisa
Sa lahat bg gawai'y nagkakasamasama
Dapat na matatap kanilang pagkalinga
Nunukal sa atin ay haing ligaya.
Kung noo'y luha ang s'yang inilagaslas
Na sa wari ay pait at paghihirap
Ito ay tanda ng pasasalamat
Kandili't aruga ng Diyos ay natanggap.
Dapat manahan sa ating mga puso
Ulirang mag-anak, huwarang totoo
Maayos na lipunan, di na hihintin
Paglat mayroon ang bawat tahanan natin.