Ipaalam ang Layunin

Ang Kadipan ay nagpapaunlad ng ating kasanayan

Sa wikang Filipino ako ay pakinggan,

Sasabihin ko ang dapat malaman

Nitong mga di kasapi sa aming samahan:



Masaya kami sa lahat ng gawain,

Kasama ang mga gurong pawang malikhain.

Ang mga pinuno nakisalumuha sa amin,

Upang ang kultura ay mabigyan-pansin.



Kasanayan sa sariling wika,

Hinahasa ng mga salita,

Sa mga gawain kami ay sagana,

Pagpapahayag ay nagagawa kapagdaka!



At sa ibabaw ng lahat ng ito,

Naroon Siyang lumikha sa mundo,

nagbibigay lakas upang mabuo,

Diwang Pilipino, isa-isip at isa-puso.

Author's Notes/Comments: 

Kadipan is a school academic club whicj stands for Kaisipan at Diwang Panitikan. As a member, I was moved to compose this poem for no reason. (1995)

View ardythe's Full Portfolio