Pagpapakilala

Kay tagal na nais kitang kausapin

Subalit nahihiya ako'y di tanggapin

Bakit kailangan pa bang

Sa isang panagimpan lang maganap?



Nais kong marining malamyos mong tinig

Nais kong madama ang iyong paghawak

Sana ay maging tunay ang aking pangarap

Ikaw ang siyang inaasam.



Di sinasadyang ika'y hangaan

Tunay ang aking pagkakakilanlan

Kay daming pagkakataong lumipas

Panalangin ko sana'y bigayang katuparan.



Sa pagdungaw sa bintana,

Ika'y natatanaw, ako'y nagagalak

Sa paglakad ika'y nasasalubong

Kailan matutupad ang nais ko irog?

Author's Notes/Comments: 

Written in 1995. This poem is dedicated to one of the persons that I admired yet seen only from a window...

View ardythe's Full Portfolio