Ilang libong taon na ang lumipas
Isang bayan sa Silangan ay namukadkad
Mayabong ang mga binhing ikinalat
Inaruga ng pagmamahal at pag-iingat.
Dumating ang panahon na tayo'y lipulin
Ninais na guluhin ang mundo natin
Bakit nga ba tayo'y inalipin?
Pagkat nais nilang kamangmangan ang hantungin natin.
Dumanak ang dugo na nananalantay lamang
Sa atung mga ugat, sumiklab ang himagsikan
Tayo'y nagapi ngunit patuloy na nagwagi
Sa nga digmaan tayo'y may paninidigan.
Ang mga Pilipinong dumanas ng maraming pagsubok
Dahil sa Maykapa, nanatiling matatag, maabilidad, matalino
Nagkaisa dahil sa pagkakaintindihan
Handa akong ipagmalaki kahit sann pa man:
Ako'y Pilipino, sa puso at isipan!